Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

             Marami ang gamit ng wika sa ating lipunan. Ginagamit ito  Bilang Instrumental na kung saan ito'y nagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag ibig at marami pang iba. Sa Regulatoryo naman ay nagtatakda, nag uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang  kasapi ng lipunan. Sa madaling salita ang regulatoryong wika ay tungkol sa mga batas o institusyon ng ating lipunan. May tatlo itong klasipiksayon ayon sa bisa nito: 1.Berbal, 2.nasusulat , nakalimbag at biswal, at 3.di-nasusulat na tradisyon. Ang Interaksiyonal ay nangangahulugang interaksiyon o ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala. May interaksiyon rin sa internet tulad ng e-mail, group chat, sociosite , online store at iba pa. Ang Personal ay galing sa salita na personalidad so nangangahulugan ito ng iyong sarili o nanggaling sa iyo, napapaloob dito kung ano ang mga karansan mo sa buhay , mga achievement mo at iyong talambuhay mismo. Ang Imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas at pag-aliw. Ito ay ginagamit sa pagpapahayg ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan. Nandito ang mga pantasya, mito, alamat at iba pang panitikan na mga kathang isip. Ang pang huli ay Heuristiko at Representatibo. Heuristiko, ang pag iimbestiga, pag-eeksperimento kung tama ba o mali habang ang Representatibo naman ay ang bisa ng wika na kung saaan ipinapaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalamang ating natutuhuhan o natutuklasan.

Bilang Instrumental
       
       Maituturing instrumental dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao tulad ng mga sumusunod:

1. pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalaat, pag-ibig, galit, kalungkutan, sigla, pagpapatawad, pag asa at marami pang iba.

Halimbawa: Makikita natin dito sa larawan na ang isang lalaki ay nagpapahayag ng masidhing damdamin sa kanyang minamahal. 


 2. panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tupdin o mangyari

Halimbawa: Nagpapakita sa larawan na to na ang dalawang employee ng isang kompanya ay nanghihikayat sa kanilang boss upang mangyari o matupad ang kanilang nais na proyekto na ginawa.




3. direktang pag uutos

Halimbawa: Nag uutos ang boss na mas pagandahin pa ang kanilang proyekto.




4. pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang pakipakinabang

Halimbawa: Sila ay natuto at may nakalap na maraming kaalaman at karunungang pakipakinabang dahil sa pagbasa nila ng mga aklat.

BIGKAS PAGANAP
       
            - ang paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at direkta o di-direktang pakilusin ang kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe

TATLONG URI NG BIGKAS PAGGANAP

1. Literal na pahayag o Lokusyunaryo
              - ito ang literal na kahulugan ng pahayag

2. Pahiwatig ssa konteksto ng kultura't lipunan o Ilokusyunaryo
              - ito ang kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito 

3. Pagganap sa mensahe o Perlokusyunaryo
              - ito ang ginawa o nangyari matapos mapakinggan o matanggap ang mensahe



HALIMBAWA:


LOKUSYUNARYO    
         
                            -Tapos na!

ILOKUSYUNARYO

                            - maaring mangangahulugan itong natapos na ( ang proyekto) o maari ding nangangahulugang itigil na.

PERLOKUSYUNARYO  

                             - ang pagsasabi ng "TAPOS NA!" ay maaaring magbunga ng pgtigil ng sa isang relasyon.



REGULATORYO



          Ang regulatoryong gamit ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang institusyong nabanggit. Regulatoryo ang wika kapag mayroon ang elementong sumusunod: batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakaiimbag o inuutos nang pasalita; taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas; taong nasasaklwan ng batas na sumusunod dito; konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon, panahon, at taong sinasaklawan ng batas. Napapaloob din dito ang mga batas, halimbawa ay Saligang Batas o Konstitusyon, Batas ng Republika, Ordinansa, Polisiya, at Patakaran at regulasyon.

TATLONG KLASIPIKASYON NG WIKA AYON SA REGULATORYONG BISA NITO

1. BERBAL - ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan.

2. NASUSULAT, NAKALIMBAG AT BISWAL - ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na mababasa, mapapanood, o makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan.

3. DI-NASUSULAT NA TRADISYON - ang mahabang tradisyon ng pasalin-saling bukambibig na kautusan, batas, o tuntuning sinusunod ng lahat.


INTERAKSIYONAL  

          Ang interaksiyonal na komunikasyon ay ang pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang mga tao. Bunga nito, umuunlad ng ating kakayahan at nadaragdagan ang ating kaalaman at kahusayan sa pakikipagkomunikasyon. Ang interaksional na wika na ang tungkulin ay tulungan tayong makipag ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan o kakilala.

        


         Hindi lang sa harap-harapan makikita ang interaksiyon ng mga tao. Mayroon ding interaksiyon na nagaganap sa internet o social media. Halimbawa ay E-mail, instant message, group chat, forum at iba pa.

PERSONAL

            Ang personal ay ang iyong sarili o kaakuhan. Ito ay nagmula sa personalidad. Nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya'y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon sa sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay ng mga pangunahing teorya kabilang ang pag-uugali, psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal, ebolosyon, at perspektibo sa kaalamang panlipunan. Mayroong apat na dimensiyon ang ating personalidad: 1. Panlabas laban sa Panloob, 2. Pandama laban sa Sapantaha, 3. Pag-iisip laban sa Damdamin, 4. Paghuhusga laban sa pag-unawa. Halimbawa ng personal ay: Biograpiya, Awtobiograpiya, Alaala, Sanaysay o tala ng paglalakbay, personal na sanaysay at blog.


IMAHINATIBO
  
            Ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas at pag-aliw. Imahinatibo ang tungkulin ng wika kapag ginagamit ito sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan. Ang ganitong tungkulin ng wika ay ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay, at maikling katha. Maging ang pelikula ay ginagamitan ng imahinatubong wika. Halimbawa ng panitikang nabibilang dito ay pantasya, mito, alamat, kuwentong-bayan at iba pang larangan ng sining na ginagamitan ng imahinasyon o kathang isip. Dito ang mambabasa ay nasisiyahan at naaliw sa mga kuwento. 



HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO

           Napapaloob sa Heuristiko ay tanong at sagot, pag-iimbestiga, pag-eeksperimento kung tama ba o mali, habang ang representatibo naman ay kung nais ipaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalamang ating natutuhan o natuklasan at kung nais nating iulat ang mga ito sa publiko o kahit kanino. Pangunahin sa dalawang ito ang pagiging mabusisi, kritikal, analitikal, replektibo, at maugnayin ng mga estudyante. May apat na yugto sa maugnaying pag-iisip. A. Paggamit ng sintido-kumon, B. Lohikal na pag iisip na binubuo ng tatlong uri ( Lohika ayon sa pangatwiran o argumento, Lohika ayon sa pagkasunod-sunod, at Lohika ayon sa pag-iisip [Hinuhang pangkalahatan at Hinuhang pambatayan]), C. Kritikal na pag-iisip ( Masusing pagtukoy sa kaligiran ng suliranin, Pagsusuri, pag-uuri, at pagpuna, Paglalatag ng alternatibo), D. Maugnaying Pag-iisi ( Repleksiyon, kritika, interpretasyon, pananaliksik na multidisiplinaryo, pananaliksik na interdisiplinaryo). Napapaloob din dito ang pananda para sa kohesyong gramatikal: anapora, katapora, pangatnig at pananda.


Comments